Saturday, June 05, 2010 -
8:26 AM
Siguro,(siguro lang!) mas mainam kung babalikan angnakaraan para matukoy ng tao ang kasalukuyan. Ikanga,”ang di marunong lumingon sa pinaggalingan, dimakararating sa paroroonan.”Noong grade 1 pa lang ako,medyo tight ang budget.Kelangan pa ng konting diskarte para maka-extra baon.Eto epektib istrategy: Paghingi ng baon, dapatnakangiti ka todo, sabay unat ng kamay! Pag binigyanka ng medyo maliit, wag mo muna ibulsa! Prolong mo sahangin ang kamay na may pera, tingnan ang ito, sabaykurap at bagsak ng mukha. Tiyak dadagdagan yan! Saskul , wag agad bubuksan ang baon, hayaan mong maubosng mga kaklase mo ang pagkain nila, tsaka ka namagpainggit. Lalong sumasarap ang snak, lalo pag mayhumihingi sayo. Nakatulong ka na, extend pa ang timeng recess kasi hihintaying ka ng teacher. Wag ka rinmasyado sipsip, baka ikaw mapagbintangan malas ng mgakaklase mo. Lalo na pag ika’y naging “teacher’s pet”.Sa mga kaklase mo Public Enemy No. 1 ka. Uso din angsumpit ng munggo, wag lang papahuli sa teacher at bakatawagin ka pa sa principal’s office.Ang grade 1, sa amin whole day tulad ng ibang grades. Makapag-uuwi ka lang pag-uwi, o habang pauwi.Dadaan pa muna sa ma chicheria, fishball, mangga,palmig, barbeque, tsaka iba’t-ibang raket ng mga taongang alam ang buhay-uwian-elementary. May mgaconsolation prices naman sa walang pambili, hanap kalang ng lata, bato o kahit anong malaki pa sa kahon ngposporo (actually pwede din yan include) at sipain itopauwi. May exercise na, di pa naubos ang iyongresource. Pero lagot ka naman sa nanay.Interesting ang pagiging “pupil” kapag unang araw ng pask. Siyempre lahat bago. Bagong titser, bagong room,bagong kaklase, Bago din ang uniform, sapatos, shorts,lapis (kung masuwerte) bag; (aba’y talagangmasuwerte!) papel, pantas, at eraser na amoystrawberry. Addictive ito, hanggang ngayon inaamoy ko eraser na gawa sa department store. Pag sinitamagdahilan na lumilihi. May mga klasmeyt ako noon namay “hi-tech” na pencil case. Magnetic, snap-on,plastic tsaka multi purpose ito. Kalimitan “HelloKitty” ang brand wala pang “Pucca” noon.Lang huya inggit din ako noon ng grabe! At syempre,talagang naonggit ako noon. Technology weirdo ako,lahat ng hi-tech, para sa akin, fascinating. Back topencil case. Ang gamit ko noon supot ng yelo lang,tapos naging yung commercial na one “room” case.Syempre ok na yun. Yun ang sabi ko. Pero sa loob konoon, todo! Siguro bibili ako nung pencil case na“hi-tech” para maalis ito.Nakakatakot pa noon angabsent. Syempre kilala ang parents ko ng teacher,madali ang magsumbong sa kanila. Kaya yun. Siguroako’y umabsent lang noong magkasakit ako. Pwerothrilling ang escape. Lalo pag kelangan mong tumalonsa bakod o pader. Feeling naming noon, grown –up nakami…haay..Lessons in “PUPIL YEARS”!o 1+1=2!!o Bawal jumerbaks sa klase. Di naman sa bawal sa skulo titser, bawal ng sarili.o 2 x2=4!!o Madali grumadweyt, mahirap lang abutin ang phase nayun.o 4-5= cannot be!!o Pwede i- recycle ang notebook ng mga ate at kuya.Yung lang blank lang pero, kasi may chance na makilalang titser ang ”penmanship” ng mga kapatid.o Madali mangopya sa katabi, mahirap ang maiwasangmahuli.o Bawal mahulihan ng kodigo.o Marami pala talaga ang mga tinaguriang “terror”.o Ang “terror” ay striktong titser.o Kadalasan ang “terror” ay para lang dun sa tamadmag-aral.o Uso ang slum booko Wag maniniwala sa chain letters. Gimik lang yan.o Bawal umuwi ng maaga. Interrogation yan.o Kung matutulog ka sa bahay after tanghalian, tiyakinmong may valid answer ka sa di pagpasok. Kundimalilintikan ka kay nanay.o Wag magsinungaling, kilala ng nanay si ma’am.o Kadalasan, nanay ang pumupunta sa principal’s officekapag may ginagawang kalokohan.o Matatanda na pala ang mga principal!o Madali bumili ng ribbon, mahirap ang makakuha nitong libre. Pinaghihirapan.o Ang ribbon ay di-basta papel, may tela din!o Masaya pala sumali sa sports contest at quiz-bee.Magandang excuse para makatakas sa klase, atmaka-travel sa other schools.Masaya ang elementary. Kahit na punit ang salawal kosa pag-ober-da-bakod. Masaya.Boys and Girlz 1 on 1“Ang mga lalakiaymasasama, ang mga babae ay tukso”.
Ewan ko kung sino ang gumawa nang salawikaingyan,sigurado, may malaking galit sa buhay yan.Sa boy-girl matters, andami pala dapat matutunan!”Kapag hawakan ng lalaki ang buhok ng babae, malalagasang buhok”. Bah! True? Sabi nila totoo daw. Eh, bakityung mga hair stylist na bading, babae na rin ba sila?Kung totoo yan eh, di sana pinahimas na ng ate angkili kili niya sa akin. ”Pain-less hair remover.24/7”. Magandang raket yun. Sigurado mabenta. Parangcancer ang epek ng lalaki no? Dapat pagbigyan nglalaki ang babae, matanda, at mga bata. Kaya siguromarami lalaki ang may sariling service. Lahat ngcommutr vehicles pinaubaya sa female population. Usodin,”dapat lalaki ang manligaw” Pero di na ata etosinusunod ng iba.”Ika nga global competetiveness”.Marami din “predatory” girls. Sila yung tipongmaglalandi sa isang lalaki. Meron ding mga lalaki natalagang “prey”. Lagi silang biktima. Ako, hindi prey,kawote ako dyan.Next na nga!Mga lalaking isinilang para magpa-cute. Yahehehe!Nattawa ako sa notion. Parang naiimagine kongmaglalakad ng konti,sabay tigil at pause. Parang mayphoto-ops!Ako din ay nakaranas ng manligaw (4x!) at mabasted(5x!). Kasi naman, kasi anman di ko pa nililigawan,basted na agad. Alam nyo ang feeling ng “na-basted”?Describe ko: ”Sorry pero di tayo pwede”… ani Girl. Siboy, di na narinig yung sumunod sa “sorry”. Ang tenganya ay parang may sumisirit at kumakalembang ngsabay.Ang paningin niya ay medyo dumidilim, nalilitopero pilit pa rin na ngumiti. Dog smile! Sabaypanlulumo, di dahil basted as is, pero dahil alam naang kantiyaw na aabutin sa barkada. Parang psychic ba?Ssasabi pa ng ”Ah, ok lang i understand…”Pero sakaibuturan ng puso nya Waaah! “Na naman, eh isangbuwan na akong nanligaw, dami ko regalo, isa kangmamaw, di mo alam ang sakit nito, wala akongmaihaharap sa barkada.nag-rexona na nga ako para saiyo, ako na nga tagadala ng gamit mo..alipin na ako,Paano na? Kelangan gumanti, pagseselosin kita naiisipmo rin ang sakit… lintik lang ang di reresbak pano nakaya..” andami pa mauubos ang space!i-start
Napansin nyo ba ang mga title ko ay pawing mgasalitang banyaga na minsan ay sadyang iniiba ko angbaybay (spelling!)..pero parehas naman ang tunog? Kasiako’y isang pinoy, at ito ay isang “characteristics”ng mga makabagong pinoy. Kung noong panahon ginagawana rin nila ito ay hindi ko alam. Do pa sinapian niRizal ang barkada kong nag-“spirit of the glass” Kayawala akong makausap na atigo ang dila.“Spirit of the glass”. Kung anong katotohanan meron salikod ng practice na ito, di ko alam o matukoy. Alamko lang marami ang mga pinoy na kabataan ang gumagawao sinusubukang makagawa ng tunay na ”trance” gamitito. Aba’y nakakatakot naman! Pano kung sapian ka ngninuno mo? Eh di baka tumakbo ka sa labas hanap angkalabaw! Kung lola mo naman, baka sermunan mo pa angmga kaama mo sa paggamit ninyo ng OUNA board (ito’ypinakamahalagang props sa spirit of the glass). Worse,baka di sila maniwalang sinapian ka, di nila gawin angpag-exorcise sa kauluwa. Eh di habang buhay ka ngmagiging lola mo? Malas mo, pabor kay lola. O diba,Bagets! Uso pa naman ang jeprox at hippie eh.Balik sa “titles”. Siguri ang pagsasapinoy ng mgabanyagang salita ay dulot na rin ng pangangailanganng angkop na salita..ika nga”for Accuracy’s sake”.Dahil wala tayo ng sapat na salitang pinoy para salahat ng kaalaman at bagay na ating natatanggap,kailangan din na mag-import ng mga salita. Halimbawa,ano ang Pilipino ng cassette, cd, diskette, laser,fluorescent, alarm, bandwidth at iba pa?Diba kaset,cd, disket, laser, ploresen, alarma tsaka bandwidth narin? Yung iba sadyang di napapalitan, samantalang angiba naman ay binago ang baybay (spelling!) peroparehas ang tunog. Meron ding dinagdagan. Ang ganitongmga salita ay ma-oobserbahan natin sa pang-araw arawna buhay ng mga tao. Maging sila’y naglalaba (”Kloroksnga anak!”), nagwawalis(“Asan na kaya ang dust pan?”),pulis (“Prrrrt!” este,”redlayt na, huli ka”). Uso dinag brandname na ginawang product ID. Halimbawa,“pa-xerox”,”pabili ng rexona na axe”, ”colgate namaxam”, Aji-no-moto, Knorr, tsaka ang ”pabili kakaytito ng Starbucks”. Kuh, ang yaman naman.Bigening
Mahilig akong mag “people-watching”. Yung trip bangmauupo o tatambay lang sa isang tabi at panonorinangmga taong dumadaan, nabubuhay, mga gawi, sitwasyon,reaksyon, at mga ugali. Madalas din akong maynakakausap na iba’t-ibang rehiyon sa Pilipinas angpinanggalingan. Pero pag sinabo ko kung saan akogalling, automatic ang isip nila: “Kaya pala weird itomanagalog, promdi pala!”That’s Right, promdi ako.“Promdi probins ob taypons and sayklons and biyutipolbeaches.” Actually, nkaka-relate kami sa mg Bisayakasi palagi din silang pinagtatawanan sa kanilang pag“pronounce” ng mga salita. Pero sa aming lugar mayisang letter na di naisusulat kasi wala sa alpabeto.Di ko rin masulat. Para kasing pinaghalong “L” at ”R”.Kung gusto mo itong marinig, tanungin mo kami kung anoang tawag sa “bahay”.Madalas sa mga taong nabanggit sa taas ko nakukuha angmga ideyang isinusulat ko. Ang dami pala talaga mgapamahiin at paniniwala sa atin! “We are not lacking infaith”.“Promdi”. Salitang naobansag sa mga taong gallingprobinsiya. Meron din itongkasamang value. Promdi +Baduy + igno + sensilyo + masyadi magalang + sinaunagugali. Aba’y noon pa ito. Pero siguro meron pa talagaganito. Eto palatandaan ng tipikal na promdi:1) Mahilig sa aircon. Basta malamig mahilig yan.2) May kwelyo ang damit, slacks ang pants.3) May bitbit na bayong.(optional)4) Ang laman ng bayong ay gulay, isda, niyog, atbp..na puro promdi produce.5) Parang Russian managalog.6) Naka-tsinelas ng “Ramboo” o “Spartan”.7) Mahilig pumunta sa mall, pero bihira bumili.8) Andami coins.9) Excited sa napakaraming channels ng cable.10)Sumasamba sa French fries, shake at pizza.11)Buo ang words sa text, capitalized pa.
Ang nabanggit ay mga katangian ko lamang. Promdi. Yungiba ay bahala na sila magformulate ng kanilangdefinite identity. Teka may pahabol, ”Nalilito sa McDonalds at Jollibee”. He..he..he